Naging matagumpay ang isinagawang milk letting activity ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Breasfeeding Week na mula August one hanggang seven.
Sinabi ni Dr. Jerome Wangdali, head ng CVMC milk bank na nakaipon sila ng 12 liters ng breatmilk mula sa mahigit 150 donors mula sa Tuguegarao City at bayan ng PeƱablanca, Cagayan.
Ayon sa kanya, ito ang pinakamarami na kanilang naipon na breastmilk mula nang simulan nila ang aktibidad noong 2019.
Sinabi ni Wangdali na layunin ng mil letting ay upang mapanatili at ma-sustain ang exclusive breastfeeding ng mga sanggol na ang mga ina ay walang gatas na lumalabas sa kanilang suso o may respiratory problem ang sanggol.
Tiniyak niya na ang nasabing gatas mula sa mga ina ay ligtas para sa mga benepisyaryong sanggol dahil sa isinasailalim ito sa pastuerization at iniimbak sa angkop na freezer upang hindi masira.
Sinabi niya na bukas para sa lahat ng mga nangangailangan ang nasabing gatas.