Walang naitalang pinsala ang pagtama ng magnitude 4.4 na lindol sa Calayan, Cagayan kahapon bandang alas 12:28 ng tanghali.
Sinabi ni Joe Robert Arirao ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO-Calayan, bagamat inalerto ang mga mangingisda, wala namang nangyaring suspensiyon sa biyahe ng mga sasakyang pandagat kasama na ang pagpalaot ng mga mangingisda.
Naabisuhan rin ang mga mamamayan lalo na ang mga coastal barangay ng kanilang gagawin sa tuwing nararanasan ang pagyanig kung saan palagi ang epicenter nito ay sa bahagi ng Dalupiri Island.
Sa datos ng PHILVOCS, ang nangyaring lindol ay naitala sa layong 3 kilometers southwest ng Dalupiri Island na may lalim na 25 kilometers at tectonic ang origin.