Wala umanong naitala na anomang pinsala matapos ang magnitude 4.9 na lindol sa Dalupiri Island sa bayan ng Calayan kaninang 1:30 ng madaling araw.
Sinabi ni Charles Castillejos, head ng Municipal Disaster Risk Management Office na batay sa report sa kanila ng mga opisyal ng Dalupiri ay wala umanong damages sa kanilang lugar bunsod ng pagyanig.
Idinagdag pa ni Castillejos na wala ring pinsala sa mainland Calayan matapos na maramdaman din ang bahagyan malakas na pagyanig.
Sinabi niya na may mga residente na naglabasan sa kanilang mga bahay nang maramdadaman ang lindol dahil sa oras ng kasarapan ng tulog ang pagyanig.
Una rito, iniulat ng PHIVOLCS ang magnitude 5.3 na lindol.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim ito na 4 kilometers.