Sumang-ayon ang Israel na itigil ang ilang labanan sa Gaza sa susunod na buwan upang payagan ang mga bata na nasa enclave na mabakunahan laban sa polio.
Sinabi ni Rik Peeperkorn, the World Health Organization’s representative for the West Bank and Gaza, na magsisimula ang pagtigil ng labanan sa September 1 at ito ay mahahati sa three-day phases.
Ayon sa opisyal, ang unang pagtigil ng labanan ay sa central Gaza sa loob ng tatlong araw, susundan ng south Gaza at pangatlo sa north Gaza.
Kinumpirma naman ng isang opisyal ng Israel na magsisimula ang pagbabakuna laban sa polio sa September 1.
Sa bawat yugto ng pagbabakuna ay tatagal ito ng pitong oras.
Nangako naman si Basem Naim, miyembro ng political bureau ng Hamas na handa sila na makipagtulungan sa international organizations upang matiyal ang payapa na pagbabakuna.