
Nagsagawa ng malawakang strikes ang Israel sa Tehran kaninang umaga, kung saan nagkaroon ng maraming pagsabog sa nasabing lungsod.
Ayon sa report, isa sa tinamaan ang Jomhuri Avenue, isang sikat na shopping area at isa sa pinakaabala na kalsada sa sentro ng Tehran.
Nagmistulang ghost town ang mga kalsada sa central at eastern areas ng Tehran dahil sa mga nasabing pag-atake.
Ito ay matapos na ihayag ng Israel na sinimulan na nila ang malawakang strikes sa mga mahahalagang imprastraktura sa Tehran.
Nagbanta naman ang Khatam Al Anibya, military command ng Iran na mas malakas na pag-atake laban sa enemy position sa susunod na mga araw.
Samantala, naghahanda umano ang three-person leadership council na nagpapatakbo sa Iran na ipakilala ang bagong supreme leader matapos ang pagkamatay ni Ayatollah Ali Khemenei.
Nagsasagawa ng virtual meeting ang 88-member Assembly of Experts, matapos na tamaan ng strikes ng Israel ang holy city Qom.










