Inamin ng Prime Minister Benjamin Netanyahu na na mag-isang kumilos ang Israel sa pag-atake sa South Pars ng Iran, ang isa sa pinakamalaking natural gas field sa mundo.

Sinabi ni Netanyahu, hindi kasama si US President Donald Trump sa nasabing pag-atake.

Samantala, sinabi ng ilang residente ng Iran na nangangamba sila na walang maiiwan sa kanilang bansa kundi ang mga sunog na mga lupa, matapos ang panibagong strikes sa Tehran.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Trump na wala silang plano na magpadala ng mga tropa sa ground sa rehion at nasusunod umano ang timeline sa pag-atake sa Iran.

Samantala, lalo pang tumaas ang presyo ng krudo sa United Kingdon at Europe kasunod ng pag-atake sa Ras Laffan energy complex sa Qatar.

-- ADVERTISEMENT --

Bingyang-diin ng punong ministro ng Qatar na ang pag-atake sa nasabing pasilidad ay mapanganib na hakbang ng Iran.

Nagbabala naman ang foreign minister ng Iran na gaganti sila kung muling magkakaroon ng pag-atake sa kanilang infrastructure.