Magsasalita si israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kongreso ng Estados Unidos sa Washington DC sa July, 24, 2024.

Inimbitahan ng Republicans at Democrats ang punong ministro para magsalita sa Senado at House of Representatives sa gitna nang nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.

Matatandaan na nitong nakalipas na buwan nag-apply ang prosecutor ng International Criminal Court ng arrest warrants laban kay Netanyahu at kanyang defence minister sa mga kasong may kaugnayan sa giyera.

Sinabi ni Netanyahu na isang prebelihiyo na naimbitahan siya na maging kinatawan ng kanilang bansa upang ipakita umano ang katotohanan sa kanilang makatuwirang giyera laban sa mga nagnanais na sirain sila.

Sa sulat na nag-iimbita para sa pagbisita ni Netanyahu, sinabi nina House Speaker Mike Johnson at Senate Minority Leader Mitch McConnell, umaasa sila na oportunidad ito para sa punong ministro na ibahagi ang pananaw ng Israel sa pagtatanggal ng demokrasya,paglaban sa terorismo at pagtatatag ng makatuwiran at pangmatagalang kapayapaan sa rehion.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pagbisita ni Netanyahu sa Washington ay sa gitna ng tensiyonadong relasyon nito sa US, lalo na sa nangungunang Democrats.