Nangko si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ipagpapatuloy ang giyera laban sa Hamas sa gitna ng maraming pagkondena sa isinagawa nitong air strike sa Rafah na ikinasawi ng maraming Palestinians.

Ayon sa health ministry na pinamamahalaan ng Hamas , nasa 45 ang namatay, habang marami ang nasugatan na ginagamot ngayon sa ospital.

Sa kanyang pagsasalita sa Israeli Parliament, isang trahedya ang nasabing insidente, subalit wala umano siyang balak na tapusin ang giyera hangga’t hindi nakakamit ang kanilang hangarin na tapusin na ang Hamas.

Kaugnay nito, magsasagawa ng emergency meeting ang UN Security Council, batay sa hiling ng Algeria upang talakayin ang pag-atake sa Rafah.

Sinabi ni UN secretary general António Guterres na maraming namatay mga inosenteng sibilyan sa nasabing pag-atake ng Israel.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyan diin niya na wala nang ligtas na lugar sa Gaza at dapat na aniyang matapos ang kaguluhan.