TUGUEGARAO CITY-Labis ang pagsisisi at panghihinayang ng isang rebel returnee sa mga nasayang na oras maging ang kanyang pag-aaral nang umanib sa makakaliwang grupo.

Pagkukwento ni Ka MIA, dating Political officer at instructor ng New Peoples Army (NPA) at sampung taon na naging miembro nito, nag-aaral at graduating na siya sa isang paaralan sa kalakhang Maynila nang ma-recruit ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA).

Ayon kay Ka Mia, kanyang nakita ang kalagayan at hirap ng mga magsasaka sa mga probinsiya na kanilang pinuntahan kung kaya’t ito ang nagtulak sakanya na pumasok sa kilusan.

Nang tuluyan ng maging miembro ng NPA,sinabi ni Ka Mia na araw araw silang nakaalerto,kailangang gumising ng maaga at maglakad ng buong araw para makapunta sa mga kabahayan.

Kulang din umano sila sa kagamitan kung saan may pagkakaton pa na tatlong damit lamang ang salitang ginamit sa loob ng anim na buwan.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit, nang makita ni Ka Mia na nagkakaroon ng korupsyon sa kanilang grupo lalo na ang mga nasa mataas na posisyon ay naisipan na niyang sumuko sa pamahaan noong 2019.

Aniya, milyon-milyong salapi ang nakokolekta ng mga NPA sa mga iba’t-ibang personalidad maging sa mga malalaking establishimento ngunit hindi ito nakakarating sa mga unit, sa halip ay napupunta sa pansariling kapakanan ng mga nasa mataas na posisyon.

Dagdag pa ni Ka mia, hindi nararamdaman ng mga opisyal ng makakaliwang grupo ang hirap sa bundok dahil hindi naman sila namamalagi sa unit sa halip ay palagi silang lumalabas at nakakakain pa ng sapat at masasarap.

Tinig ni Ka Mia

Samantala, inamin naman ni Ka Mia na may mga first year college pa lamang ay hindi na ipinagpapatuloy ang pag-aaral at pinipiling umanib sa NPA.

Dahil dito, pinayuhan ng rebel returnee ang mga kabataan na huwag hayaan ang sarili na makuha ang loob ng mga kasapi ng NPA para sumama sa kanila dahil masisira lamang ang kanilang kinabukasan.

Sa ngayon, nasa mabuti ng kalagayan si Ka Mia at masaya na muli sa kapiling ng kanyang pamilya.