Nakatakdang maging kauna-unahang millenial saint ng Catholic Church si Carlos Acutis, isang Italian teenager at computer prodigy na nakamit ang pangalang “God’s influencer”.
Kinilala ni Pope Francis ang ikalawang himala na iniuugnay kay Acutis, isang gamer at computer programmer na namatay dahil sa leukemia noong 2006 sa edad na 15.
Sa panahon ng kanyang buhay, ginamit ni Acutis ang kanyang technological skills para ipalaganap ang awareness sa Catholic faith, kabilang ang pagkakaroon ng website na nagdodokumento ng mga himala.
Ipinanganak sa London noong 1991, lumipat siya sa Milan, Italy kasama ang kanyang pamilya.
Bagamat hindi relihiyoso ang kanyang mga magulang, ang pananampalataya ni Acutis ay pinagyaman ng kanyang yaya.
Pagkatapos ng kanyang pagkamatay, inilipat ang kanyang mga labi sa bayan ng Assisi, Italy, kung saan ito ay naka-display sa isang shrine, kasama ang mga relics na inuugnay sa kanya.
Karaniwan, ang mga prospective candidates para sa sainthood ay kailangan na may dalawang himala na iniuugnay sa kanila bago ang kanilang canonization.
Ang mga himala na iniuugnay kat Acutis ay ang napaulat na paggaling ng isang batang babae mula sa Costa Rica na nakaranas ng head trauma matapos na mahulog sa bisikleta sa Florence, Italy kung saan siya nag-aaral.
Sinabi ng ina ng babae na nagdasal siya para sa paggaling ng kanyang anak sa libingan ni Acutis sa Assisi.
Idineklara si Acutis na “blessed” matapos ang kanyang beatification pagkatapos ng kanyang unang himala noong 2020, nang pinagaling umano niya ang isang lalaking Brazilian na may birth defect sa kanyang pancreas kaya hindi siya makakain ng normal.
Kasunod ng pag-uugnay sa kanya sa dalawang himala, ang susunod na hakbang ay magpapatawag ng pulong ng cardinals ang Santo Papa para sumang-ayon sa sainthood ni Acutis at magpasya kung kailan isasagawa ang canonization.
Ang kwento ni Acutis ay nakakatulong umano sa Simbahang Katolika dahil sa pagnanais nila na magkaroon ng mas magandang ugnayan sa younger generations sa digital age.
Si Acutis, itinuring na millenial dahil siya ay ipinanganak sa pagitan ng early 1900s at mid-1990s ay inilarawan ng kanyang mga kaibigan at pamilya na masaya sa paglalaro ng video games tulad ng Halo, Super Mario at Pokémon.