Mabibigyan na ng cold storage facility ang islang bayan ng itbayat sa batanes para sa kanilang produktong bawang.

Ang naturang storage facility ay ipapatayo ng DA sa pamamagitan ng high value crops development program ng ahensya na may pondong 61 milyon.

Ant nasabing hakbang ng ahensya ay upang mapalakas ang produksyon ng lokal na bawang lalo na at 90 percent ang imported na bawang na ibinebenta sa merkado habang 10 percent lamang ang produksyon ng nasabing produkto .

Positibo naman si Gov. Marilou Cayco ng batanes na sa pamamagitan ng pagpapatayo ng nasabing pasilidad ay mapapalakas ang kanilang produksyon dahil tatagal na ang kanilang mga naaning bawang.

Kilala ang batanes sa kanilang produktong bawang subalit hindi naitataas ang ang kanilang produksyon dahil sa kawalan ng pasilidad na maaari nilang pag imbakan ng kanilang produkto.

-- ADVERTISEMENT --