Sinasanay ngayon nina Jacky Chan at Ralph Macchio ang bagong “Karate Kid,” 40 na taon buhat ng lumabas ang original na pelikula.
Una nang inilabas ang trailer ng “Karate Kid: Legends” kagabi.
Ang nasabing pelikula ay tungkol kay kung fu prodigy Li Fong na ginampanan ni Ben Wang mula sa Beijing na lumipat sa New York City kasama ang kanyang ina matapos ang trahedya sa pamilya.
Nang kailanngan ng isang kaibigan ang kanyang tulong, pumasok si Li sa karate competition subalit hindi sapat ang kanyang skills.
Ang kanyang kung fu teacher na si Mr. Han na ginampanan ni Jackie Chan ay kinuha ang tulong ng orihinal na Karate Kid na si Daniel LaRusso o si Ralph Macchio.
Inanunsiyo ang “Karate Kid: Legends” noong 2023.
Sinabi nina Macchio at Chan na nagkaroon ng global auditions para sa susunod na Karate Kid.