Tuguegarao City- Pormal ng idineklara ang National State of Health Emergency sa Japan bunsod ng paglobo ng kaso ng tinatamaan ng virus na dulot ng COVID-19 sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Roger Reymundo, OFW sa nasabing bansa, mahigpit ngayon ang Japanese Government sa pagpapatupad ng mga panuntunan upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga nahahawaan sa naturang sakit.

Ayon kay Reymundo ay tinatayang nasa humigit kumulang 9,000 kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Japan.

Sa ngayon ay puspusan pagsasagawa ng mass testing sa lugar at aabot na aniya sa 100,000 katao ang sumailalim sa pagsusuri.

Samantala, mula naman sa 270 registered filipino residents sa Japan ay tinatayang nasa 50-70 sa mga ito ang tinamaan ng virus kasama na ang mga nakasakay sa barkong Diamond Princess Cruiship.

-- ADVERTISEMENT --

Inihayag pa ni Reymundo na maganda ang tugon at patas na pagtrato ng mga medical personnel sa lahat ng pasyente ng COVID-19 sa bansang Japan.