Muling nakapagtala ang Japan ng mababang record ng kanilang fertility rate.
Dahil dito, hinihikayat ng pamahalaan ang young people na mag-asawa at magkaroon ng pamilya at sa katunayan ay naglunsad sila ng sariling dating app.
Ang japan na may 123.9 million na populasyon ay nakapagtala ng 727,277 births nitong nakalipas na taon, batay sa data na inilabas ng Ministry of Health, Labour and Welfare.
Ang fertility rate na tumutukoy sa kabuuang bilang ng panganganak ng isang babae sa kanyang buhay ay bumagsak sa mula 1.26 sa 1.20.
Para maituring na stable ang populasyon, kailangan na ang fertility rate ay 2.1.
Ang lampas naman dito ay ang nangangahulugan ng paglaki ng populasyon kung saan may malaking bilang ng mga bata at young adults, tulad sa India at maraming African nations.
Subalit sa Japan, nananatiling mababa ang kanilang fertility rate sa loob ng isang siglo.
Mas lumala ang downward trend nitong mga nakalipas na taon kung saan mas marami ang namatay kaysa sa mga ipinanganak na nagbunsod sa pagbaba ng bilang ng kanilang populasyon na nakaapekto na sa kanilang workforce, ekonomiya, welfare system at social fabric.
Noong 2023, nakapagtala ang bansa ng 1.57 million deaths, ayon sa Health Ministry na mas higit sa doble sa bilang ng ipanganak.
Bukod dito, bumaba din ang bilang ng nag-aasawa sa 30, 000 nitong nakalipas na taon, habang tumaas ang bilang ng mga naghiwalay.
Ayon sa mga experts, ang pagbaba ay inaasahan na magpapatuloy ng ilang dekada.
Dahil dito, gumagawa na ng mga hakbang ang bansa upang matugunan ang nasabing problema.
Naglunsad sila ng mga inisyatiba tulad ng pagpapawalak ng child care facilities, nag-aalok ng housing subsidies sa mga magulang, at sa iba pang bayan ay binabayaran nila ang mag-asawa para magkaanak.
Sa kabisera na Tokyo, sinusubukan ng mga lokal na opisyal ang isang bagong stratehiya kung saan ay naglunsad sila ng dating app na pinapatakbo ng pamahalaan at ngayon ay nasa testing phase na at magiging fully operational sa susunod na mga buwan.
Nakalagay sa website ng app ang apela na gamitin ito bilang unang hakbang sa pagsisimula ng marriage hunting at ang AI-matching system ay bigay ng Tokyo Metropolitan Government.
Hinihingi sa mga users na magsagawa ng “values diagnostic test” ngunit may option din na ilagay ang gusto mong katangian ng magiging future partner.