Hinimok ngayon ng Japan ang China na sumunod sa final and legally binding na 2016 arbitral award sa West Philippine Sea.
Ito ay bilang tugon sa nangyaring insidente sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17 kung saan nagkaroon ng komprontasyon ang
China Coast Guard at Philippine Navy sa kalagitnaan ng resupply mission at nagresulta sa pagkasira ng inflatable boats ng Pilipinas at malubhang pinsala sa sakay nito na ilang naval crew.
Ayon kay Japanese Defense Minister Minoru Kihara, sa pamamagitan ng arbitral award ay nakakatulong ito na magbigay ng mapayapang pagaayos sa mga partido partikular na sa nangyayaring alitan sa pinaga-agawang karagatan.
Samantala, pinahahalagahan naman ng Japan ang posisyon ng gobyerno ng Pilipinas na patuloy na nagpapakita ng pangako nito para sa mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa disputed waters alinsunod sa desisyon ng Philippine-China arbitration.