Nagbukas ng job opportunities ang Japan para sa Filipino nursing graduates, kung saan bukas ang aplikasyon hanggang April 2025.

Ayon sa Embassy ng Japan sa Pilipinas, ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pakikipagtulungan sa Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS), ay tatanggap ng mga aplikasyon para sa 50 registered nurses at 300 certified care workers.

Binuksan ang nasabing mga trabaho sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).

Narito ang qualifications para sa nurses o Kangoshi sa Japan:

-Graduate of Bachelor of Science in Nursing with active Professional Regulation Commission (PRC) license;
-Minimum of three (3) years hospital, clinic or health center work experience;
-Must be motivated and committed to work and study as a candidate for “Kangoshi” to obtain a National License in Japan.

-- ADVERTISEMENT --

Para naman sa care workers (Kaigofukushishi):

-Graduate of Bachelor of Science in Nursing (with or without PRC license);
-Graduate of four (4) year course BUT should submit TESDA National Certificate II in Caregiving (NC II);
-Must be motivated and committed to work and study as a candidate for “Kaigofukushishi” to obtain a National License in Japan.

Ang mga matatanggap na kandidato ay sasailalim sa Japanese Laguange Training sa loob ng anim na buwan sa bansa at karagdagang anim na buwan sa Japan, bago ang kanilang tatlo hanggang apat na taon na pagtatrabaho sa Japanese Hospitals at caregiving facilities.

Ayon sa Japan Embassy, libre ang Japanese Language Training at tatanggap sila ng arawang allowance para sa buong panahon ng pagsasanay.

Hinihikayat din ng embahada ang mga kandidato na kumuha ng Japanese license para sa Kangoshi at Kaigofukushishi upang mabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng mas mahabang employment term sa Japan.

Ang deadline ng submission ng mga aplikasyon ay sa April 4, 2025, sa central at regional officer ng DMW.