Itinanggi ng Japan ang paratang ng “new militarism” habang binabatikos ang China sa umano’y mabilis at malawakang pagpapalakas ng kanilang military capabilities, sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, sinabi ni Japan Defense Minister Shinjiro Koizumi na patuloy na lumalaki ang defense spending ng China at nagdudulot ito ng seryosong pag-aalala hindi lamang sa Japan kundi maging sa international community.

Binigyang-diin din niya na ang mga military activities at panlabas na kilos ng China ay nagiging isyu ng seguridad sa Indo-Pacific region.

Tugon sa mga kritisismo, iginiit ni Koizumi na walang basehan ang akusasyong “new militarism” laban sa Japan, at ipinunto na wala itong nuclear weapons at strategic bombers, hindi tulad ng ibang bansa.

Giit pa niya, malinaw ang track record ng Japan mula noong World War II sa pagsunod sa international law, United Nations Charter, at pagsusulong ng isang “free and open international order.”

-- ADVERTISEMENT --