Napanalunan ni Sanae Takaichi ang makasaysayang boto para maging kauna-unahang babaeng prime minister ng Japan.

Si Takaichi, 64-anyos na conservative ay kilala na “Iron Lady” ng Japan, ay tagahanga ni dating British Prime Minister Margaret Thatcher.

Ito ang kanyang ikatlong pagtatangka at magiging lider ng Japan, at siya ang pang-apat na prime minister sa loob ng limang taon mula sa kanyang partido na LDP na nabalot ng eskandalo.

Kabilang siya sa hardline wing ng LDP, at protege ng pumanaw na si dating prime minister Shinzo Abe.

Ngayon at siya ang napili na prime minister, kabilang sa mga hamon na kanyang kakaharapin ay ang pagtugon sa bumabagsak na ekonomiya, ang hindi magandang relasyon ng Japan at Estados Unidos at ibalik ang nagkakaisang ruling party na niyanig ng mga eskandalo at internal conflicts.

-- ADVERTISEMENT --

Nakakuha si Takaichi ng 125 votes sa Upper House, higit sa isang boto na kailangan niya para manalo sa simple majority, nakakuha siya ng 237 votes sa Lower House, higit sa kailangang majority na 233.

Papalitan ni Takaichi si Shigeru Ishiba, na nagtagal lamang ng isang taon bilang prime minister, na nagbitiw na kasama ang kanyang gabinete para bigyang-daan ang pag-upo ng papalit sa kanya.