
Mataas ang threshold ng Japan sa pagpapadala ng warship sa Gitnang Silangan upang protektahan ang shipping lane ng langis, ayon sa senior policy adviser ng ruling Liberal Democratic Party (LDP), dahil sa legal at politikal na limitasyon ng kanilang pacifist constitution.
Sinabi ni Takayuki Kobayashi na habang hindi ipinagbabawal ng batas ang pagpapadala ng Self-Defense Forces, kailangan itong pag-isipang mabuti dahil nagpapatuloy pa rin ang alitan sa Iran.
Sensitibo ang hakbang dahil maraming botante sa Japan ang naninindigan sa 1947 constitution na nagbabawal sa digmaan at labis ang epekto sa kanilang domestic politics.
Inaasahang bibisita si Punong Ministro Sanae Takaichi sa Washington ngayong linggo upang linawin kay US President Donald Trump ang intensyon ng Japan at talakayin kung paano maiiwasan ang vacuum sa security framework sa East Asia habang ipinapadala ng US ang troops sa Gulf mula sa Japan at South Korea.









