
Muling tiniyak ng Japan ang suporta nito sa Pilipinas sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations.
Ayon sa Embassy of Japan in the Philippines, paiigtingin pa ng Tokyo ang koordinasyon sa disaster response at environmental cooperation, kabilang ang technical assistance sa firefighting operations, air quality monitoring, at waste management.
Kaugnay ito ng naging pagtugon ng Japan sa hiling ng Pilipinas matapos ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill Facility noong Abril.
Sinabi ni Endo Kazuya na nananatiling nakahandang tumulong ang Japan sa pagpapalakas ng disaster response coordination ng Pilipinas lalo na sa panahon ng krisis.
Dagdag pa niya, sumasalamin din ito sa mas lumalalim na relasyon ng Pilipinas at Japan habang ginugunita ng dalawang bansa ang ika-70 anibersaryo ng diplomatic ties ngayong taon.




