Tuguegarao City- Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang isang kargo driver na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang tumakas at mawala sa lungsod ng Tuguegarao.

Sinabi ni City Mayor Jefferson Soriano na bago nito ay namasada, dumalo sa kasal at iba pang okasayon ang pasyente.

Sa ngayon ay labis ang pagkabahala ng alkalde kung kaya’t nagbigay ito ng babala sa publiko na handa nilang sampahan ng kaso ang hindi sumusunod sa mga panuntunan laban sa virus.

tinig ni Mayor Soriano

Kasama na rin aniya dito ang mga umuuwing hindi sumasailalim sa strict home quarantine, mga tumatakas sa quarantine facilitues at pumupuslit sa pag-uwi.

Babala pa ng alkalde na kung mananatili ang katigasan ng ulo ng mga residente sa lungsod at magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay magdedeklara ito ng lockdown.

-- ADVERTISEMENT --
tinig ni Mayor Soriano

Gayonman ay labis ang pag-apela ni Mayor Soriano sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at sumunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng virus