Matapos ang relationship na tumagal ng dalawang dekada, dalawang engagements, dalawang kasal, naghain si Jennifer Lopez ng divorce mula kay Ben Affleck.

Inihain ang divorce noong August 20 sa Los Angeles Superior Court.

Ayon sa report, ang inilagay na petsa ni Lopez sa date of separation ay August 26, 2024.

Wala umanong binanggit na anomang prenuptial agreement.

Unang engaged ang dalawa early 2000s, at nagkasama sa pelikulang Gigli noong 2003 at Jersey Girl noong 2004, naghiwalay silang dalawa at sinisi ang pressure mula sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Muli silang nagkasama matapos ang dalawang dekada at sumunod ang kanilang kasal, dalawang beses noong 2022 sa Las Vegas.

Matapos ang isang buwan, nagkaroon sila ng mas bongga na kasalan sa bahay ni Affleck sa Georgia, kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Dating kasal si Affleck, 52 anyos kay Jennifer Garner, mayroon silang tatlong anak noong 2005 at naghiwalay noong 2018.

Tatlong beses namang na ikinasal noon si Lopez, 55 anyos.

Sandali lang ang pagsasama nila ni Ojani Noa mula 1997 hanggang 1998 at kay Cris Judd mula 2001 hanggang 2003.

Kasal sila ni singer Marc Anthony sa loob ng isang dekada na naganap noong 2004 at nagkaroon sila ng kambal na ngayon ay 14 years old na.

Nag-date sila ng dating baseball player na si Alex Rodriguez noong2017, subalit tinapos nila ang kanilang engagement noong 2021.