Humarap sa Department of Justice si Atty. Jimmy Bondoc matapos isumite ang kanyang counter-affidavit laban sa reklamong isinampa ng Philippine National Police (PNP).

Hinggil ito sa kanyang Facebook post na may pamagat na “Republic of Mindanao, coming soon.”

Ayon kay Bondoc, mariin niyang itinanggi ang paratang ng PNP na umano’y inciting to sedition at rebellion o insurrection ang kanyang sinabi sa social media.

Natanggap nito ang reklamo noong Disyembre 26, 2025, at sa kanyang counter-affidavit, hiniling niyang ibasura ang reklamo.

Aniya, saklaw ang post sa kanyang karapatan sa malayang pagpapahayag.

-- ADVERTISEMENT --