
Nakatakdang bumalik sa kanyang ikalawang laban si Emmanual “Jimuel” Pacquaio Jr., anak ni Manny Pacquiao sa buwan ng Pebrero.
Lalaban si Pacquiao Jr. sa undercard ng inilipat sa schedule na WBO International Featherweight title fight sa pagitan nina Elijah Pierce at Lorenzo Parra.
Batay sa statement, tampok din sa boxing event si Top American prospect Curmel Moton sa special attraction, kasama si Pacquiao Jr. sa kanyang ikalawang professional match.
Isasagawa ang laban sa February 28 sa New York, USA.
Ginawa ni Jimuel ang kanyang pro debut noong November 2025 laban sa kapwa newcomer na si Brendan Lally.
Matapos ang apat na rounds sa lightweight division, nagtapos ang laban sa majority draw matapos na isang judge ang nagbigay ng contest score kay Jimuel, habang patas naman ang ibinigay ng dalawa pang judge.










