photo by Rowel Gazmen

TUGUEGARAO CITY-Labis ang pasasalamat ng bagong uupong alkalde ng Baggao na si Joan Dunuan sa lahat ng mga nagtiwala sakanya at nagbigay ng boto sa nakalipas na halalan.

Ayon kay Dunuan, pagpapakita lamang umano na marami ang naniniwala at nagtitiwala sakanyang kakayahan na mamuno sa bayan ng baggao dahil sa nakuhang bilang na boto na umabot sa 13,516.

Wala rin umanong dapat ikabahala sa kasalukuyan nitong kinahaharap na kaso na serious dishonesty at maraming bilang falsification of public documents dahil sa pememeke umano ng kanyang daily time record o DTR noong empleado pa siyang LGU-baggao dahil pending pa ito sa supreme court.

Naniniwala rin ang alkalde na mareresolba at mapapatunayang wala itong kasalanan sa ipinaparatang laban sakanya.

Aniya, isa umanong patunay ang ibinigay na tiwala ng publiko para iluklok ito sa pagka-alkade na wala itong ginagawang masama .

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, umaasa ang alkade na mabibigyan ng kaliwanagan at tamang desisyon ang kanyang kinahaharap na kaso.

Nakatunggali ni Dunuan si Ron Paolo Pattung na nakakuha ng boto na 12,403 at Arnold Alonzo na may 7,613 naman na boto.