Dole RO2 Jobfair

TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Atty. Sarah Bueno Mirasol, director ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 na job matching ang isang hamon na kanilang kinakaharap sa tuwing nagkakaroon ng job and business fair.

Sinabi ni Mirasol na maraming bakanteng trabaho lalo na sa pribadong sektor subalit ang problema ay may ilang aplikante na kulang sa skills at wala pang experience.

Dahil dito, sinabi ni Mirasol na nagbibigay sila ng skills training katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Kasabay nito, nanawagan si Mirasol sa mga job seekers na huwag mapili sa papasuking mga trabaho.

Sinabi ito ni Mirasol kasabay ng isinagawang job and business fair sa Tuguegarao City ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Mirasol na matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa maraming mga employers para sa local at overseas na trabaho at maging ilang ahensiya ng gobyerno ang dumalo.

Bukod dito, sinabi ng opisyal na daan-daan din ang mga job seekers sa nasabing job fair.