Tumaas ang unemployment rate noong Mayo sa 4.1 percent.
Batay sa preliminary results mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang unemployment rate sa pinakamataas na antas sa loob ng apat na buwan kumpara sa 4 percent sa nakalipas na buwan ngunit mas mababa pa rin ito sa 4.3 percent noong Mayo ng 2023.
Tumaas din sa 9.9 percent ang underemployment rate.
Ito ay 4.82 million na mamamayang Pilino ang naghahanap ng karagdagang trabaho o mas mahabang oras ng trabaho.
Ang underemployment nitong buwan ng Mayo ang pinakamababa buhat noong 2005.
Bumaba naman sa 95.9 percent ang employment rate nitong buwan ng Mayo, mas mababa sa 96 percent na naitala noong buwan ng Abril.
Ito ay kumakatawan sa 48.87 million na may trabaho sa nasabing buwan, mas mataas sa 48.36 million na naitala sa buwan ng Abril.
Ang employment rate din ang pinakamababa sa loob ng apat na buwan o buhat sa naitalang 95.5 percent noong Enero.