Tiniyak ni NHA General Manager Joeben Tai ang pagpapabilis sa pagkakakumpleto sa lahat ng mga bahay sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project (YPHP)na binuo para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.
Una rito ay ipinag-utos ng opisyal ang inspeksyon sa lahat ng mga pabahay na nasa ilalim ng programa sa mga probinsya ng Aklan at Antique.
Ito ay upang matukoy ang mga kinakailangan pang baguhin para mas madali nang matapos at maipagkaloob sa mga benepisyaryo sa lalong madaling panahon.
Maalala na una na ring ipinag-utos ni PBBM na pabilisin ang konstruksyon ng mga housing project upang maibigay na sa mga benepisyaryo.
Mahigit isang dekada na ang nakalipas simula noong tumama ang supertyphoon Yolanda sa Kabisayaan kung saan umabot sa 5,600 na katao ang namatay, 1,700 naman ang nawawala, 26,000 ang nasugatan, at libo-libo naman ang nawalan ng tahanan dahil sa lakas ng bagyo.