CTTO: DENR

Naniniwala ang Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 2 na maipatutupad ang binuo nilang operational plan kasama ang DENR Region 1 at Cordillera Administrative Region sa pagtatag ng checkpoints sa triboundaries upang mamonitor ang unauthorized na pagbiyahe ng mga forest products.

Sinabi ni Gwendolyn Bambalan, regional execxutive director ng DENR Region 2 na matapos na tuluyang mapirmahan ang matagal nang nabuong memorandum of agreement sa mga nabangggit na rehion ukol sa nasabing hakbang ay gumawa na rin sila ng operational plan.

Ayon sa kanya, 12 ang mga itatatag na checkpoints subalit ang ilan sa mga ito ay mobile checkpoints habang ang iba naman ay stationary.

Kaakibat din nito ang kanilang pagkuha ng karagdagang mga tauhan at mga tinatawag nilang “Lawin Patrolers” na sila ang magbabantay sa mga iligal na aktibidad sa mga kagubatan tulad na lamang pagkakaingin, timber pouching, treasure hunting at iba pa.

Ito ay matapos ang kanilang pagtukoy sa mga forest conservation areas at greening areas.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Bambalan na isusumite pa lamang nila ang plano sa kanilang central office para sa kanilang pag-apruba dahil una nang may kautusan na kailangan na magbawas sila ng mga checkpoints.