TUGUEGARAO CITY- Patuloy ang ginagawang mandatory evacuation ng militar at iba pang miembro ng Joint Task Group Taal sa mga residente na nasa loob ng 14 kilometer danger zone mula sa Taal volcano.

Sinabi ni B/Gen.Kit Teofilo, assistant division commander ng 2nd Infantry Division at commander ng Joint Task Group Taal na ito ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong kagabi.

Ayon sa kanya, apat na team ang bumubuo sa nasabing grupo na kinabibilangan ng kanilang hanay.

Sinabi ni Teofilo na nasa 18, 646 families o 82, 068 individuals na evacuees na mula sa anim na bayan at dalawang lungsod sa Batangas at Cavite.

Kaugnay nito, sinabi ni Teofilo na marami pa rin sa mga residente ang ayaw na umalis sa danger zone dahil sa kanilang mga alagang hayop.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, iginiit ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience na tututok sa mga sakuna sa bansa.