Nanalo ang brodcast journalist na si Atom Araullo sa civil suit na isinampa nila laban kay dating anti-insurgency task force spokesperson Lorraine Badoy at confessed ex-communist rebel Jeffrey Celiz matapos na siya ma-red-tag bilang miyembro ng komunistang grupo.

Ayon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 306 Presiding Judge Dolly Rose Bolante-Brado, ang red-tagging ay pagpapakita ng hindi magandang intensiyon.

Inatasan ng korte si Badoy at Celiz na magbayad ng kabuuang P2.07 million dahil sa paglabag sa maraming probinsyon ng Civil Code.

Una rito, nagreklamo si Araullo tungkol sa defamatory statement ni Badoy at Cediz laban sa kanya at sa kanyang pamilya sa national television at media platforms.

Naging subject ng red-tagging nina Badoy at Celiz noong 2022 si Araullo at sa kanyang ina na si Carol, chair emeritus ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

-- ADVERTISEMENT --

Itinuring si Araullo na “spawn” ng aktibong CPP central committee leaer.

Inakusahan din siya na nag-udyok ng pag-atake laban sa pamahalaan matapos sabihin na ang kanyang documentaries o laman ng kanyang ginawa ay may kaugnayan sa propaganda ng CPP-NPA.