Inihatid na sa huling hantungan si statesman at dating Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kaninang umaga.

Binigyan ng departure honors ang flag-draped casket ni Enrile sa pagdating nito sa sementeryo.

Kaunod nito ay ang funeral march mula sa bungaran ng Libingan ng mga Bayani papunta sa itinalagang burial site.

Pagdating sa gravesite, nagkaroon ng pinal na seremonya na pinangunahan ni Rev. Fr. Cherish Chester Serana, na sinudan ng final viewing ng pamilya, mga kaibigan, at supporters.

Kabilang sa mga nakilibing ay sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., Health Secretary Teodoro Herbosa, dating Senator Gringo Honasan, at dating Information and Communications Secretary Ivan Uy.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit ang libing ni Enrile sa Libingan ng mga Bayani ay tinutulan ng ilang grupo.

Isa sa mga ito ang National Union of Peoples’ Lawyers, na nagsabing ang pagturing kay Enrile na isang bayani ay bahagi ng pagsisikap para iangat ang kanyang pangalan sa kanyang naging papel sa mga karahasang nangyari noong martial law.

Inilarawan ng grupo ang nasabing hakbang na pagbabago sa kasaysayan.

Binigyang-diin ng grupo na ang Libingan ng mga Bayani ay hindi sanctuary para sa mga nagbuwag ng demokrasya o sa mga nasangkot sa pang-aabuso.

Nagkaroon ng mahalagang papel sa pagpapatupad ng martial law noong siya pa ang defense chief noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kalaunan ay binawi niya ang kanyang suporta at isa sa central figures sa 1986 Edsa Peoples Power Revolution, na nagresulta sa exile ni Marcos.