Pumanaw na si whistleblower at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam sa edad na 64.

Ito ang inanunsiyo ng kanyang anak na lalaki na si Marco sa social media.

Subalit, hindi nagbigay si Marco ng sanhin ng pagkamatay ng kanyang ina.

Nakasaad sa post na si Sandra Cam ay lumaki sa bayan ng Batuan, Masbate.

Sinabi ng anak na maka-Diyos, matapang ang kanyang ina at ipinamalas ang kanyang dedikasyon sa paglaban para sa “Natatanging Filipina na sumusulong sa Pagtulong at Paglaban sa Korapsyon,” at “Outstanding Asian Public Servant and Educator.”

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, ang kanyang ina ay isang resilient single mother na itinaguyod ang tatlong anak.

Noong 2020, kinasuhan si Cam ng murder may kaugnayan sa pagpatay kay dating Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III, kung saan ibinasura ang kaso noong 2023.

Si Cam ay self confessed “jueteng” bagwoman bago siya ginawang whistleblower para sa pamahalaan noong 2005, kung saan isiniwalat niya ang korupsion sangkot ang lotteries at mga pulitiko sa bansa..

Itinalaga siya bilang PCSO board member noong Duterte administration.

Tumakbo siya sa sa Senado noong 2016, subalit siya ay natalo.

Nakaburol ngayon ang kanyang mga labi sa St. Peter Chapel sa Parañaque City at itinakda ang schedule