
Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang July 17 to 23 bilang National Disability Rights Week.
Sa Proclamation No. 597 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ng pangulo ang Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng National Council on Disability Affairs na i-supervise ang National Disability Rights Week.
Inatasan din ang konseho na lumikha ng mga programa, mga aktibidad at mga proyekto para sa selebrasyon.
Nanawagan din ang pangulo sa lahat na makiisa sa nasabing pagdiriwang.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang hakbang ng pangulo ay bahagi ng commitment ng pamahalaan sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).
-- ADVERTISEMENT --










