Idineklara ni President Ferdinand Marcos Jr. ang June 6, 2025 na regular holiday sa buong bansa sa paggunita sa Eid’l Adha o ang Feast of Sacrifice.
Nilgdaan ni Marcos ang Proclamation No. 911 on May 21.
Nakasaad sa proklamasyon, inirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklara ang June 6 na regular holiday, araw ng Biyernes sa paggunita ng Eid’l Adha batay sa 1446 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakamahalagang holiday sa Muslim calendar, ang isa ay ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng holy fasting month ng Ramadan.
Sa panahon ng Eid’l Adha, nagkakatay ang mga Muslim ng mga tupa, kambing, baka, at camel bilang paggunita sa sakripisyo ni Prophet Ibrahim na walang pagtutol sa pag-aalay sa kanyang anak na lalaki sa utos ni Allah.
Sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, ang mga Muslim ay nag-aalay ng hayop na gaya ng tupa, baka, o kambing bilang simbolo ng kanilang pananampalataya at pagtitiwala kay Allah.
Ang bahagi ng hayop ay iniuugnay sa tatlong bahagi: ang para sa pamilya, ang para sa mga kaibigan at kapamilya, at ang para sa mga mahihirap at nangangailangan.
Bukod sa pag-aalay ng hayop, ang mga Muslim ay nagdaraos din ng mga panalangin sa mga moske, nagbibigay ng donasyon sa mga nangangailangan, at nagtitipon kasama ang kanilang pamilya at komunidad upang ipagdiwang ang araw.