Hinamon ni dating Defense Minister at dating Senate President Juan Ponce Enrile ang mga nag-uudyok ng isa pang pag-aalsa sa Edsa para pabagsakin si Pangulong Ferdinand Marcos na gawin ito.
Ginawa ni Enrile, na kasama noon si dating Vice Chief of Staff Fidel Ramos, na nanguna sa 1986 People Power Revolution laban sa rehimen ni Ferdinand Marcos Sr. ang nasabing payo sa kanyang facebook, matapos na matipon-tipon ang mga sympathizers umano ni Vice President Sara Duterte sa Edsa Shrine noong Martes.
Sinabi ni Enrile, na ang kanyang payo sa mga advocate of revolution o people power na gawin na ang kanilang binabalak at bumili ng kanilang revolutionary o peopple power kit, at simulan ang laro na nais nilang simulan, at ito ay kung kaya nilang gawin.
Binigyang-diin ni Enrile, na ngayon ay presidential legal counsel ng administrasyong Marcos, hindi isang panakot na usapin ang revolution o people power.
Ayon sa kanya, ito ay isang ultima ratio.
Ang ultima ratio ay isang latin na ang ibig sabihin ay “the last resort” o “the final argument,” na madalas na ginagamit para ilarawan ang decisive action na ipinapatupad lamang kung lahat ng opstions ay nabigo.