Isinilang na ni Hailey Bieber ang kanilang anak ni Justine Bieber.

Ibinahagi ni Justin sa kanyang instagram ang larawan ng paa ng kanyang anak, na binigyan nila ng pangalang Jack Blues.

Sa kanyang post, isinulat ni Beiber ang “welcome home.”

Matatandaan na inanunsiyo ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko noong 2016 na-engage matapos ang dalawang taon.

Noong September 2018, ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa New York City.

-- ADVERTISEMENT --