WALANG pasok ngayong araw sa mga government agencies dito sa lungsod ng tuguegarao upang bigyan daan ang bar examination na magsisimula mamayang alas siyete ngayong araw at sa pebrero 6.
ito ay batay sa bisa ng deklarasyon ni mayor jefferson soriano upang matiyak na walang magiging abala sa pagpunta ng mga kukuha ng bar exams sa cagayan state university sa barangay carig sur kung saan matatagpuan ang regional center o karamihan ng mga government agencies.
nakalatag na rin ang ipapatupad na pagmamando sa daloy ng trapiko at naitalaga na rin ang 144 na mga pulis upang matiyak ang maayos na pasasagawa ng bar exam.
iiral din ang liqour ban sa panahon ng bar exam sa lungsod.
155 ang kukuha ng bar exam dito sa lungsod ng Tuguegarao.
una rito, tinanggihan ng supreme court ang kahilingan ng pamahalaang panlungsod na payagan pa rin na makakuha ng bar exam ang mga magpopositibo sa antigen test sa covid 19.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor soriano na ang korte suprema ang maglalabas ng bilang ng mga magpopositibo sa anti gen test.
Inihayag din ng alkalde na handa na ang binuong technical working group upang pangasiwaan ang kaayusan ng nasabing pagsusulit.
personal din aniya siyang sumulat sa lahat ng mga service providers sa lungsod upang matiyak na walang mangyayaring aberya sa exam ng mga barista lalo na sa internet, kuryente at iba pa.