Hinihikayat ng Department of Agriculture ang mga kabataan sa Cagayan Valley na makibahagi sa larangan ng agrikultura sa pamamagitan ng Young Farmers Challenge Program.

Ayon kay Say Pacarangan, chief ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA-RO2, bukas ang programa sa mga kabataang magsasaka, edad 18 hanggang 30.

Pagkakataon din aniya ito sa mga kabataang magsasaka na mapalago ang negosyong nasimulan sa pamamagitan ng cash incentives na kanilang mapapalanunan sa naturang programa.

Sa provincial level, nasa P80K start up capital ang maiuuwi ng mananalo mula sa dating P50K noong sinimulan ang programa noong 2021.

Habang P150K ang mapapanalunan ng mga mananalo sa Regional level at P300K naman sa national level.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na makipagsapalaran sa pagsasaka at pangingisda sa pamamagitan ng pagsali sa agri business at agri entreprenuership upang isulong ang pagunlad.