Pinangunahan ng grupo ng mga kabataan ang kilos protesta sa Lungsod ng Tuguegarao bilang paghahayag ng kanilang hinanakit at hinaing sa umanoy katiwalian sa gobyerno.

Bukod sa pagpapanagot sa mga corrupt officials ay hiniling rin ng grupo ang pagpapauwi kina kay Cong. Zaldy Co at Harry Roque.

Kabilang naman sa mga lumahok sa rally si Dr. Nena Velarde, kung saan hiniling nito na matupad ang hangad na reform ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na maibalik sa mga mamamayan ang perang ninakaw sa kaban ng bayan.

Maayos naman ang isinagawang kilos protesta sa Rizal’s Park laban sa katiwalian at naging mapayapa kung saan binantayan ito ng mga personnel ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa lungsod ng Tuguegarao.