Ipinahayag ng mga pwersang rebelde sa Damascus na ang kabisera ay “malaya” na mula sa matagal nang lider na si Bashar al-Assad matapos mag-urong ang mga pwersa ng gobyerno.
Ayon sa mga ulat, iniwan ni Assad ang Damascus at sumakay ng eroplano patungo sa isang hindi natukoy na destinasyon.
Ang mga hindi pa nakukumpirmang footage na kumalat sa social media ay nagpapakita ng libu-libong mga bilanggo na pinakawalan mula sa kilalang Saydnaya prison, kung saan pinahirapan at pinatay ang mga kalaban ni Assad.
Ang pagsulong ng mga rebelde sa Damascus ay kasunod ng kanilang pahayag na “lubos nilang niliberate” ang lungsod ng Homs.