Umakyat na sa kabuuang 41,626 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos ayon sa Department of Health Region 2.

Sa pinakahuling datos ng DOH-02 as of May 25, 2021, may 306 katao na panibagong nagpositibo sa virus mula sa ibat-ibang probinsiya sa rehiyon.

Tumaas naman sa 37,465 ang total recoveries matapos maitala ang 354 indibdwal na panibagong gumaling.

Gayunman, walo ang panibagong nasawi may kaugnayan sa COVID-19 kung saan umakyat na sa 1,030 ang kabuuang bilang ng namatay.

Sa ngayon, nangunguna ang Lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming aktibong kaso sa rehiyon na umaabot sa 1,260.

-- ADVERTISEMENT --

Sinundan ng Cagayan na may 1,253 active cases; Nueva Vizcaya na may 437; Quirino na may 116; nasa 53 na lamang ang Santiago City habang nananatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes.