Aabot sa P3.2Billion ang kabuuang halaga ng mga napinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Typhoon Nika, Ofel at Pepito sa Region 2 partikular sa probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Ayon kay Regional Director Rosemary Aquino ng Department of Agriculture Region 2, isa sa pinaka napinsala ay ang agricultural crops and livestocks kung saan mula sa P3.2 Billion ay umaabot na ito ng P2.6Billion habang sa fisheries and aquatic resources ay nasa P384,702,000.’
Aniya, pinakamalaking halaga ng napinsala aniya ay ang rice na mayroong P284,698,523 ang halaga sa region 2.
Sa nasabing halaga ay pinaka unang napinsala umano dito ang probinsiya ng Isabela na may P196,305, 889 at pumangalawa naman ang Nueva Vizcaya na nasa mahigit P24 million habang pangatlo naman ang Cagayan na nasa mahigit P22 million habang pang huli naman ang Quirino na nakapagtala ng kabuuang halaga ng pinsala na mahigit P17 Million.
Hindi rin aniya malaki ang naitalang halaga ng pinsala sa mga pananim na mais dahil bago pa man dumating ang mga bagyo ay nasa 80-90 percent na ang naani.
Bukod dito ay napinsala rin ang ilang structure facilities na kung saan karamihan dito ay National Irrigation System at Communal Irrigation System na umaabot naman sa P269,843,400.
Sa ngayon ay nasa 44,4220 farmers and fisherfolks ang naapektuhan dahil sa pananalasa ng mga sunod sunod na bagyo.
Sa kabila aniya ng mga pagsubok na dulot ng mga kalamidad, patuloy ang mga ahensya ng gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda habang pinayuhan din ng Department of Agriculture ang mga lokal na magsasaka na agad kumonsulta sa kanilang mga lokal na tanggapan upang makakuha ng tulong at mga programang makakatulong sa kanilang mabilis na pagbangon.