Umabot na sa P16.63 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng February, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).
Ayon pa sa kagawaran, kumpara noong Enero, nadagdagan ang utang ng bansa ng 1.96% ng P319.26 billion ngayong Pebrero.
65% nito na nagkakahalaga ng P11.2 trillion dito ay utang panloob o domestic debt, habang 32.5% naman ang utang panlabas na nagkakahalaga ng P5.41-T matapos madagdagan ng P179.64-B mula noong Enero.
Ayonv naman sa Treasury, bunsod ng pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar, bahagyang lumiit ang domestic debt ng bansa.
Sinigurado naman ng kagawaran na ginagamit nang maayos ang mga inutang sa mga proyekto ng gobyerno kabilang na ang project loans para sa railways, health sector at agricultural sector.
Nilinaw din nila na “manageable” ito sa kabila ng paglobo ng utang ng Pilipinas.