Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pagbebenta ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa panayam ng Bombo Radyo, kinumpirma ni Roberto Busania na magpoposisyon ang ahensiya ng KADIWA store sa mga major Landbank ATM outlet, kung saan nagwi-withdraw ang mga benepisaryo.
Ang KADIWA store ay proyekto ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nasa pangangasiwa ng DA at may layuning magbenta ng mga murang produkto.
Gayonman, hindi muna ito gagawing sapilitan subalit sinabi ni Busania na makakatulong ito sa pamahalaan upang mabenta ang mga NFA rice.
Matatandaang, pansamantalang itinigil ng NFA- RO2 ang pagbili ng mga palay sa lokal na magsasaka sa ilang lugar dahil sa napuno na ang ilan sa kanilang warehouses o bodega.
Aniya, pansamantala lamang ito sapagkat magiging saklaw ng Department of Social Welfare and Development ang pabili at pamimigay ng bigas sa mga benepisaryo sa ilalim ng rice subsidy program.