Kasabay ng pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi o ‘Misa De Gallo’ ngayong araw, muling ipinapaalala ng simbahang Katolika ang kahalagahan ng naturang novena.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Fr. Bernice Wynn Rio ng archdiocese of Tuguegarao na ito ay bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko pagsapit ng ika-25 ng Disyembre.
Ayon kay Fr. Rio, Misa de Gallo ang tawag sa misa ng madaling-araw kasabay ng tilaok ng tandang kung saan hinango ng mga Kastila ang salitang “Gallo” sa tandang upang makadalo sa misa ang mga magsasaka bago magtungo sa bukid.
Habang ang Simbang Gabi ay ang misang idinaraos sa mga simbahan upang mapaunlakan ang malaking bilang ng mga mamamayang ibig makinig ng misang panggabi.
Ito ay siyam na sunud-sunod na madaling-araw o gabi na pagsisimba bilang paghahanda sa pagsilang ni Hesus upang tumubos sa sangkatuhan.
Natatapos ang Simbang Gabi sa madaling-araw ng Disyembre 24. Kasunod na nito pagsapit ng hatinggabi ang Christmas Eve Mass na pasasalamat sa pagsapit ng araw ng Pasko o ng pagsilang ni Kristo Jesus.
Kasunod na nito pagsapit ng hatinggabi ang Christmas Eve Mass na pasasalamat sa pagsapit ng araw ng Pasko o ng pagsilang ni Kristo.
Bagamat marami ang naniniwala na matutupad ang anumang hiling o intentions kapag nakumpleto ang higit isang linggong misa, sinabi ni Fr. Rio na ang tunay na diwa ng simbang gabi ay ang pasasalamat at pagbubunyi sa pagsilang ni Hesus.