Tuguegarao City- Tiniyak ng Office of the Civil Defence (OCD)Region 2 ang kahandaan ng mga Local Government Unit upang tumugon sa maaaring maging epekto ng bagyong Ambo.
Sa panayam kay Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2, kasalukuyan ang kanilang monitoring sa mga LGU upang matiyak ang agarang aksyon sakaling may mga kailangang respondehan.
Aniya, sa ngayon ay binabantayan umano ng mga otoridad ang mga landslide at flashflood prone areas sa rehiyon.
Bagamat hindi aniya kalakasan ang tama ng bagyo sa ngayon ay wala pang mga naitatalang evacuees sa mga nakatalagang evacuation areas.
Iginiit naman ng opisyal na sakali mang magkakaroon ng evacuees ay kailangan pa rin ang istruktong pagpapatupad ng social distancing laban sa COVID-19.
Nagpaalala naman si Conag sa publiko ng ibayong pag-iingat upang makaiwas sa anumang sakuna.