Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa na handa ang kanilang hanay sa posibleng pagkalat ng novel coronavirus sa bansa.

Ayon kay Gamboa, nakahanda ang specialized units ng PNP tulad ng chemical warfare upang tumulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Posible aniyang makatulong ang PNP sa pagdala ng mga pasyenteng tutukuyin ng Department of Health na nahawaan ng virus para isailalim sa quarantine.

Dagdag pa ni Gamboa na bubuo ng dalawa hanggang tatlong team ang PNP sa bawat area sakaling may mahawaan ng nakamamatay na sakit sa bansa.

Kaugnay nito, nagsasagawa na rin ng capability study ang PNP upang hindi makomplromiso ang kalusugan at kaligtasan ng mga miyembro ng kapulisan.

-- ADVERTISEMENT --

Bukas, pangungunahan ng Department of Interior and Local Government ang isasagawang conference upang pag-usapan ang magiging papel at hakbang ng PNP laban sa banta ng 2019 Ncov.

Si Gamboa ay dumating sa rehiyon upang pasinayaan ang bagong Admin building at Helipad ng PRO2, maging sa ground breaking ceremony sa ilan pang bahagi ng gusali.

Binisita rin ng PNP chief sa pagamutan ang sugatang pulis sa nangyahring engkwentro sa mga armadong grupo sa bayan ng Sta tersita, Cagayan.