Tuguegarao City- Tiniyak ng Local Government Unit (LGU) Alcala ang kahandan ng kanilang bayan upang tugunan ang banta ng COVID-19.
Sinabi ni Mayor Tin Antonio na mahigpit na sinusubaybayan ng Municipal Hospital at ng Municipal Epidemiological Surveillance Unit (MESU) ang lagay ng mga pasyente sa kanilang bayan.
Aniya, istriktong minomonitor ang lahat ng dumarating na LSIs at OFWs sa kanilang bayan kung saan ay agad na isinasailalim sa mandatory quarantine.
Ayon sa alkalde, may dalawang active cases ngayon ang bayan ng alcala habang sampu naman ang bilang ng mga recoveries.
Sinabi niya na si CV811, pitong buwang buntis, LSI mula Quezon City ang pinakahuling naitalang nagpositibo sa virus mula sa Alcala kung saan asymptomatic naman ang kondisyon.
Umapela si Mayor Antonio sa kanilang mga residente ng patuloy na pagsunod sa mga panuntunan upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang bayan.