TUGUEGARAO CITY-Hindi inaprubahan ng Regional IATF ang kahilingan na isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang lalawigan ng Batanes matapos makapagtala ng isang bagong kaso na positibo sa sakit.

Sinabi ni Oliver Baccay ng PIA Region 2 na hindi pa umano ito sapat na basehan para sa nasabing hakbang kaya’t pag-aaralan muna itong mabuti.

Ang ECQ ay uri ng quarantine classification na itinuturing na pinakamahigpit sa pagpapatupad ng panuntunan laban sa COVID-19.

Ang rekomendasyon ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes ay dahil na rin sa pangamba ng posibleng pagkalat ng virus sa kanilang lalawigan.

Agad naman na isinailalim sa swab test ang mga nakasalamuha ng Locally Stranded Individual o LSI na kauna-unahang kumpirnadong kaso ng nakakahawang virus sa isla ng Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi din ni Baccay na magsasagawa ng Economic Sector Meeting ngayong araw, Oktubre 1, 2020, upang aralin ang dapat na ilalatag na quarantine clasification na hnd makaaapekto sa ekonomiya ng nasabing probinsya.